COFFEE:
Bakit kaya nauso ang kape? Yung tipong ginagawa na tong rason para lang magkita ang mga magkakaibigan.. Gaya ng linyang "Let's talk things over coffee." or "Saan ka? Wala kong magawa.. Kape tayo." Nakaka-aliw isipin na ng dahil sa kape, magkakaroon kayo ng panahon na mapag-usapan ang mga bagay-bagay sa mundo, makabuluhan man o hindi.. Basta nandyan ang kaibigan at ang kape.
PRINGLES:
"Once you pop, you can't stop." Eto ang famous tag line ng Pringles. Totoo nga naman, di mo na matatantanan pagnasimulan mo ng kainin. Pero mas nakatatak sa aking isipan ang ad nito sa TV. Mga magbabarkadang nagkakatuwaan habang kumakain ng Pringles. Masarap isipin na pag nandyan ang barkada, kahit saan at kahit ano pah ang trip, ok pah sa alright basta't magkakasama.
NESTEA:
"Take the plunge." Bakit di na lang din ganon ang motto ng mga tao? Yung willing sila to take the risk sa mga bagay na di nila tiyak kung ano ang kahihinatnan subalit gusto pah rin nilang subukan para malaman kung ano ang mangyayari. Sana nga ganito na lang, para walang "what ifs" sa mundo. Walang regrets.
REPLAY:
Bagong kanta toh! Pero minsan naisip ko, kung pwede lang sana mareplay ang buhay para may magbago naman kahit maliit lang. Para wala yung panghihinayang sa mga bagay na di nagawa o nasabi. Yung masasabi mong "Eto yung tamang gawin. Di ko to pagsisisihan sa huli.."
Magulo noh? Pero eto ang combo ng buhay ko.. Masaya, malungkot, magulo. Pero ayos lang. Basta ba't nandyan ang COFFEE, PRINGLES, NESTEA para busugin ako at musikang REPLAY para aliwin ako, ayos na ang trip.
0 comments:
Post a Comment