BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, November 1, 2009

SALAMAT AT KULELAT AKO!


Part 1
Salamat Sa Magikero

Sa isang pagsasalo-salo ng mga bloggers sa Gensan, may lumapit na isang magikero sa grupo naming magkakaibigan. Nakipagkilala at nagkwento ng kaunti. Pinakitaan nya ng simple tricks ang mga batang kasama ko: coin na nahuhulog pataas, at iba’t iba pang coin tricks na napanood ko na sa Exposed. Saydang namangha ang mga kasama ko sa mga pinapakita nyang tricks habang ako naman ay patuloy na kumakain ng aking hapunan (tapos na silang maghapunan kaya ako na lang).

Nang natapos ang show ni Mamang Magikero, binigyan nya kami ng kanyang calling card. Subalit ng iaabot na nya dapat ang para sakin, nagpakitang gilas muli si Mamang Magikero at binali-baliktad ang calling card nyang animo’y walang sulat. Subalit nagulat na lamang sya ng sinabi kong “Alam kong nasa likod ang printa nyan”. Laking taka nya ng sabihin ko ito at tama nga naman ako. Akala nyang mabilis na ang kanyang kamay, ngunit mas matalas ang aking mata (o sadyang nakita ko na ang trick na iyon o nabasa sa isang libro). Sabi ko nga sa kanya “It’s all in the hands.” Papakitaan nya pa sana ako ng isa pang trick subalit kami ay paalis na (SAYANG!!)
Ilang oras ang nakalipas at nakachat ko sya sa facebook. Usap-usap ng konte hanggang sa naabot sa pagbo-blog an aming usapan. At para sa kaalaman ng lahat, OO! Blogger xa!
Hindi ko makakalimutan ang sabi nya “Blog about anything that you feel and think”. Ganda ng advice! At eto na nga. After 48 years na di nakapagpost, ayan! Meron na ulit.
Laking salamat ko sa Mamang Magikero na nag-udyok sa akin upang gawin ang blog post na ‘to. Ang kung sisipagin, may magiging mga kasunod pah. Salamat sa iyo Mamang Magikero at naimulat mo ako sa kagandahan ng blogging. Samantalang bigo naman ako sa pag-eengganyo sa iyo na magPlurk na rin para join ka na sa Plurk Fiesta!
Hindi lamang si Mamang Magikero ang nag-uudyok sakin para magsulat. Madami na sila. Gaya na lamang ng aking nag-iisang Ganda-Ever-So-Much nanay-nanayan! Sabi nya, may “potential” DAW ako. Nandyan din ang isang sikat na isda sa ating lungsod, si Bariles na habang lumalangoy sa karagatan ng kasiyahan at tagumpay ay nagbigay ng oras para basahin ang aking mga maiksing artikulo. At sa iba pang may paniniwala na may “potential” nga ako, salamat sa pagpupursigeng engganyuhin akong magsulat ng kung anu-ano, salamat sa inyo.
Part 2
Kulelat Ako
Sa puntong ito, malamang nababagot na kayo sa kakabasa at ako naman ay nalilito kung bakit sa pagkakataong ito, sa wikang Filipino ang entry ko. Sadyang di ko mawari na kaya ko pala magsulat ng isang litanya sa Tagalog.

Ngayon ko lamang napansin na katabi ko pala ang libro ni Bob Ong na “Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pinoy?” Malamang ito ang naging impluwensya ko sa pagsulat sa wikang Filipino kasi katatapos ko lang itong basahin.
Aminado naman akong sablay ako sa pagdating sa ating sariling wika. Akalain mo ba namang 75 ang final grade ko sa Filipino nung ako’y unang tumapak sa kolehiyo? Samantalang ang English ko naman ay tumataginting na 90. Hindi kaya Americana ako sa aking past life?
Malamang nakokonsensya lang ako sa mga nailathala (malalim yan) sa librong iyon kaya wikang Filipino ang gamit ko ngayon. Masakit man aminin, ngunit halos lahat ng kapintasan ng Pinoy ay naisulat at nailarawan ng maayos ng manunulat. At sa pagkakataong ito, aaminin ko sa inyong lahat, KULELAT AKO!

1 comments:

orman said...

blog lang ng blog, doter. practice makes perfect, 'ika nga...