BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, August 11, 2009

Matatapatan Kaya?

Ang kulit eh.. naisipin kong magblog as a reply to Mader Orman's "Four-year itch". Isa lang ang ang masasabi ko.. Di ko pah nareach ang four years..

Dati kasi, ang pinakamatagal kong relasyon ay pitong buwan lamang. Mahirap na magulo kasi ayaw sa kanya ni Mader Dragon. Pero sige lang.. Go pa rin.. Deadma galore ang say ng mga people around me.

Pagkatapos ni "7 Months", nakilala ko si "1 month". Alam kong meron xang gf sa Manila pero sabi ko sa sarili ko "Sige lang.. malay natin.. Iwan nya yun para sakin." Ako naman etong si Tanga, umaasa-asa pah.. Last part, sila pah rin. Edi hiwalayan na! Alangan namang maghintay pah ko sa impossible? Di na noh!

Wag nyong isipin na silang dalawa lang.. Madami na rin.. Di na kayang isa-isahin. Yun ay dahil sa sobrang iksi ng iba, di ko na maalala..

Ayan na.. nag-end na si "1 month". Ang ironic pah dun, naghiwalay kami sa harapan ng mga kaibigan ko. At eto pah, sa time na yun, nandun din si "ultimate crush" ko that time. Super cute in his uniform at laging nakasmile. Haaaayy... Kahit na in the middle of World War "i dunno what number" kami ni "1 month" naisip ko pah rin na "Sana sa susunod, ang mga ngiting iyon ay nailalatha sa kanyang mga labi dahil sakin". Oha? Anak ng potek! Ang lalim ng tagalog na yan. Ganon kalala ang pagpapantasya ko kay "ultimate crush".

Pagkatapos ng gulo ay nag-catwalk to the exit na ko with my baggy jeans and long sleeved top. Boyish ang dating ni lola! Pero sige, go pah rin!

Sadyang hindi ko makakalimutan ang gabing iyon, dahil SIRA ang network ng SMART.. Delayed ang messages. Nasa 2nd waiting shed na ko ng nagtext si "ultimate crush". "Gusto mo hatid kita sa inyo?" Kahit badtrip na badtrip na ko to the highest level, nakuha ko pah ring kiligin. Yihee! Nireplyan ko syempre.. Sabi ko na kung ihahatid nya ko, sobrang out of the way na sa apartment nila. Sabi nya na ok lang daw, kaya ayun.. Bumigay ang lola mo! Sinundo na nga, hinatid pah..

To cut the story short, aba! Naging kami nga ni "ultimate crush". At hindi na rin
"ultimate crush" ang tawag ko sa kanya.. "JC" na.. Sa wakas at nagkapangalan din!

Lumipas ang ilang buwan na araw-araw kong sinasabi ko sa sarili ko at sa mga kaibigan ko "Maghihiwalay na kami next month". Siguro, sa daming beses kong inulit-ulit kakasabi ng linyangyun ay di ko na matandaan ang bilang. Pano naman kasi, ikwento nya bah naman ang halos buong buhay nya. Dagdagan pah ng factor na "Manila Boy" na, "Gangster" pah!

Hanggang isang araw ay napagod na ko at hinayaan ko na lang lumipas ang mga buwan.. Ika nga nila "Just go with the flow". At ayun na nga.. 3 taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay kami pah rin.. At ngayon, naiisip ko.. matatapatan ko kaya ang "
Four-year Itch" ni Mader Orman? :D